Varicose veins at ang natural na gamot o lunas

Ano ang natural na gamot o lunas sa varicose veins?

  • Luya maaaring inumin at gawing salabat, makakatulong sa pagpapaliit ng ugat at pamamaga nito at ng ileocecal valve.
  • Luyang ginadgad, 2 inches ang haba at isang dakot ng rock salt ilagay sa maligamgam na tubig sa palanggana (wag gagamit ng plastic) at 0000maghanda ng pinakulong tubig. Ibabad ang paa sa loob ng 15 to 30 minutos at kapag lumalamig na ang tubig dagdagan ito ng mainit na tubig kaya dapat may nakareserbang mainit na tubig. Mas magandang gawin ito sa gabi kapag malapit ng matulong dahil ito ay makakadagdag na mahimbing ang tulog. Ang paraang ito ay nakakapagpalabas ng toxins, nakakahupa ng pamamaga at nakakapatay ng masasamang organismo na nagbabara sa ugat at kabilang na dito ang parasites, fungus at iba pa.
  • Magpasikat sa araw upang makatulong sa paghupa ng namamagang ileocecal valve na isa sa dahilan ng pagkaipit ng ugat o pagkapipi nito sa bandang tiyan na dahilan ng varicose veins dahil sa hindi makadaloy pabalik ang dugo sa puso kaya lumalaki ang ugat sa legs dahil sa pressure nito.
  • Castor oil na may ginadgad na luya at itatapal, sa mismong varicose veins, gamitan ng tela . Sapat lang na luya ang dami dahil sobra itong mainit kapag masyadong naparami ang lagay.
  • Damihan ang bawang, sibuyas at luya sa pagkaing kinakain.
  • Kumain ng maraming gulay at prutas para sa fiber upang mapanatili ang regular na pagtae.
  • Uminom ng probiotics (yakult o yogurt na hindi masyado matamis)Simple-At-Home-Exercises-for-Varicose-Veins
  • Maaring uminom ng nilagang dahon ng ampalaya, isa o dalawang baso isang araw at ihinto ito ng isang araw sa loob ng isang linggong tuloy-tuloy na pag-inom.
  •  Mag-ehersisyo (nakatayo na titingkayad)
  • Gawin ang alin man sa mga nabanggit ng tuloy-tuloy hanggang sa mapansin nyo na nawala ang pamamaga ng ugat. Ang luyang iinumin o salabat ay may pahinga ng isang araw sa bawat linngo ng pag-inom. Kung magagawa ang lahat ng nasabi mas-mabilis na gagaling ang varicose veins.
  • Hillutin ang tiyan sa umaga pagkagising, gawin ang acurpressure sa palad at paa.

Ano ang mga dapat iwasan kapag nagpapagaling ng varicose veins?

  • Iwasang ito ay mahilot o madiinan.
  • Iwasan ang pagkain ng masyadong matatamis at maanghang na galing sa sili.
  • Iwasan ang mga may caffeine na pagkain tulad ng kape, energy drinks at soft drinks.
  • Iwasan ang pagkain ng sobra ng mga bakery products.
  • Iwasan ang sobrang carbohydrates.
  • Iwasan ang masasamang pagkain tulad ng hotdog, longganisa, ham, instant na pagkain.

Anunsyo

invi